Ang Kwento Ng Unang Alitaptap

Noong unang panahon, ang mga alitaptap ay maliliit na kulisap lamang. Ang mga kulisap na iyon ay walang dala-dalang apoy. Nguni’t ito ring mga kulisap na ito ang tinatawag natin ngayong ALITAPTAP. Bakit kaya sila ngayon ay may dal-dalang apoy na kikisap-kisap?

Gaya rin ng mga alitaptap ngayon, ang mga kulisap noong unang panahon ay gabi lamang kung lumipad. Naguni’t ayaw na ayaw nila ng mga gabing madilim. Ang ibig nila ay mga gabing maliwanag ang buwan. Kapag madilim ang gabi ay nagtatago sila sa mga damo. Nagtatago sila sa mga dahon at sa mga bulaklak. Sila ay takut na takot. Bakit kaya?

Ang Pinakamabangis Na Hayop Sa Gubat

Noong bata pa ang panahon at di pa dumaraong sa ating dalampasigan ang mga Kastila, may isang makapangyarihang sultang namuno sa isang pinakamalaking kaharian sa Lu-sung. Siya ay kinatatakutan ng kanyang mga sakop dahil sa kanyang kalupitan at kaimbihan ng kanyang mga kawal. Siya ay si Raha Sibasib.

Kung gaano kabuhong ang raha gayon naman ang ganda ng anak nitong prinsesa. Bukod sa gandang panloob ay maganda rin ang ugali.Siya ay si Prinsesa Liwayway. Maraming mga Prinsipe, Datu at Sultan sa iba’t ibang kaharian ang nagsasadya sa ama upang hingin ang kanyang kamay.

Ang Pulong Ng Mga Hayop

Noong unang panahon ang mga hayop daw ay nakapagsasalita. Minsan si Bathala’y tumawag ng pangkalaahaatang pulong upangpag-usapan kung paano mapangingilaga ng mga hayyop ang walang tuos na pagpuksa sa kanila ng mga tao. Ang pulong ay ginanap s alibis ng isang bunddok.

Ang lahat ng mga hayop ay nagsidalo subali’t ang a;litaptap, kabag, lamok, pagong, at gamugamo ay nangahuli. Sila ay isa-isang ipinatawag ni Bathala.

Ang Unang Balang

Si Magandang-loob ay isang mayamang magbubukid. Ang kanyang palayan ay napakalawak kaya’t kung ilarawan ang laki ay karaniwang sinasabing “di malipad ng uwak.”

Samantalang si Magandang-loob ay saganang sagana sa buhay, ang mga nanirahan naman sa kanyang purok ai naghihikahhos. Sila’y masissipag at walang sawa sa paaggawa nguni’t anuman ang gawin nilang pagsusumikap ay hindi rin sila makakita ng sapat na ikabubuhay.

Kung Bakit Masikip Ang Balat Ng Kalabaw

Ang susunod na kwento ay nagpapaliwanag kung bakit masikip ang balat ng kalabaw at malwang naman ang sa baka.

Si Mang Catalino ay matagumpay na mambubukid. Katunayan, umunlad ang kanyang kabuhayan dahil sa pagbubungkal ng lupa at paghahalaman. Kung siya’y may matatawag na kahinaan sa buhay, ito’y ang masyadong kasipagan. Siya’y trabaho nang trabaho. Ngunit ang araw ng Linggo ay kanyang ipinangingilin. Siya’y hindi nakalilimot magsimba.

Maagang-maaga noon. Kinalagan ni Mang Catalino si Kalakian sapagkat ito’y nakatali sa ilalim ng kamatsili. Gusto niyang pumunta sa gutaran upang mag-araro.

Pinagmulan Ng Maya

Si Rita ay batang lubhang malikot. Ang kanyang ina ay laging naiinis sa mga ginagawa niyang hindi dapat gawin ng batang katulad niya.

Isang araw, ang kanyang ina ay nagbayo ng palay. Si Rita ay nanood sa kanyang ina. Siya’y gutum na gutom sapagkat galing siya sa laruan. Nang mayroon ng isang salop ang nabayong bigas, si Rita ay nagsimula nang kumain ng bigas.

Fine Print

This website is dedicated to all Filipino people who love their country, the Philippines.

The purpose of this website is to help all Filipinos, most importantly the Filipino students in their upbringing, not just in their studies in schools, but also during their leisurely time online. Who said fun is all about playing games?

Currently, we have articles about Filipino folklore including short stories, fables, parables, myths, and legends. Biographies of Filipino national heroes and other famous people in Philippine history that are written both in Tagalog and English are also available.

Soon to include information about Filipino games here in the Philippines, from the old traditional games that children used to play, to the most latest online games now being played at their very own homes or in an Internet Cafe such as Level Up's games Ragnarok and Crazy Kart, E-Games' RAN Online....

Categories