Mga Bugtong Na May Sagot - Page 36

Bugtong #246
Nagtanim ako ng dayap
Sa gitna ng dagat,
Marami ang nagsihanap,
Iisa ang nagkapalad.
Bugtong #247
Kulay rosas na isda sa karagatan
Di totoong isinilang sa kabukiran.
Bugtong #248
Tinatakbuhan ng alon sa karagatan
Malawak itong buhanginan.
Bugtong #249
Limang magkakapatid
laging kabit-kabit.
Bugtong #250
Limang puno ng niyog
Nasa gitna ang pinakamatayog.
Bugtong #251
Eksperto sa napiling larangan
Matagal na pinag-aralan.
Bugtong #252
Humaharap dito ang nagmamahalan
Sa piling ng paring siyang nagkakasal.