Ilaw Trapiko

Ang ilaw ay pula;
Tumigil ka muna;
Bayaan mong sila
Ay magsisulong na.

Iba na ang ilaw,
Naging kulay dilaw;
Lahat, pati ikaw,
Ay maghintay-hintay.

Berde ang pumalit,
Ari nang sumirit,
Ikaw diyan, nguni't
Huwag kang kabilis.

See also