Mga Huni Ng Ibon

Ang huni raw ng kilyawan
Sa itaas ng kawayan
"Pag ang bayan ay masukal,
Marumi ang mamamayan."

Ang huni ng ibong pipit,
Sa itaas ng Aratiles,
"Pag ang bayan ay malinis,
Di lalaganap ang sakit."

Ang huni ng marya-kapra
Sa itaas ng makopa,
"Pag ang bayan ay maganda
Mga tao'y liligaya."

Ang huni ng mga ibon
Ay aral sa baya't nayon,
Kalinisan ay ibangon,
Karumihan ay ibaon!

See also