Alamat ng Waling-waling

Ang alamat na ito ay nangyari sa panahong hindi na lubusang matatandaan. Ito ay tungkol sa pinagmulan ng mahalimuyak at marikit na Waling-Waling. Ang mga pinakamagandang bulaklak ng Waling-Waling ay matatagpuan sa Davao.

Sa tabi ng ilog Daba-daba, na ang tubig ay umaagos mula sa Bundok ng Apo, nakatahanan ang balangay ng Dayaw. Pinamumunuan ito ni Raha Musukul. Si Rani Waling ang magandang asawa ng Raha. Siya ang nagdadala ng kaligayahan at kariktan sa Dayaw.

Alamat ng Tsonggo

Isang tamad na bata si Juan. Isang araw, pawisang tinatanggal ng nanay ni Juan ang mga buto ng bulak sa pamamagitan ng paghampas dito ng isang patpat.

“Juan,” utos ng ina, “itanim mo ang mga butong ito sa likod-bahay. Tiyak na bibigyan ka ng mga ito ng magarang baro!”

“Pagkatanim ko po ba ng mga buto, may baro na ba kaagad ako?” naniniyak na tanong ni Juan.

“Hindi kaagad. Mag-uusbong muna ang mga buto, iho.”

Alamat ng Sampaguita (2nd version)

Noong unang panahon, si Datu Dangal na puno ng Barangay Maynila ay matalik na kaibigan ni Datu Tapang na puno naman ng Barangay Balintawak. Laging nagtutulungan ang kanilang mga tauhan upang mapaunlad at mapaganda ang kani-kanilahg lugar. Kapag uhaw sa tubig ang mga pananim ni Datu Dangal ay pinatutulong ni Datu Tapang ang mga kabig upang sumalok ng tapa-tapayang tubig na ipinandidilig sa malalawak na kabukiran ng karatig barangay. Bilang pagtanaw ng utang na loob, kapag taggutom naman sa Barangay Balintawak ay buong puso namang ipinahahatid ni Datu Dangal sa kaibigan ang mga kinatay na baka upang pagsalu-saluhan ng mga kawal ng kapalagayang loob na lider. Lagi silang nagpapalitan ng mga aning palay at mais. Nagbibigayan din sila ng mga alagang pabo at manok o kaya naman ay pinanday na punyal at itak. Kung nangangailangan ng tulong ang isa, madaling mag-aabot ng kamay ang kaibigan niya. Magkaibigang-magkaibigan si Datu Dangal at Datu Tapang. Hangad nila ang pag-unlad ng bawat isa. Dasal nila ang pagtatagumpay
ng bawat barangay na pinamumunuan nila.

Fine Print

This website is dedicated to all Filipino people who love their country, the Philippines.

The purpose of this website is to help all Filipinos, most importantly the Filipino students in their upbringing, not just in their studies in schools, but also during their leisurely time online. Who said fun is all about playing games?

Currently, we have articles about Filipino folklore including short stories, fables, parables, myths, and legends. Biographies of Filipino national heroes and other famous people in Philippine history that are written both in Tagalog and English are also available.

Soon to include information about Filipino games here in the Philippines, from the old traditional games that children used to play, to the most latest online games now being played at their very own homes or in an Internet Cafe such as Level Up's games Ragnarok and Crazy Kart, E-Games' RAN Online....

Categories