Maikling Kwento
Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Mga Bahagi ng Maikling Kwento
Ang maikling kwento ay karaniwang mayroong limang bahagi:
- Panimula
- Saglit na kasiglahan
- Suliraning inihahanap ng lunas
- Kasukdulan
- Kakalasan
Ang panimula ay ang bahagi na siyang guguhitan ng mga pangyayari sa kwento. Mahalagang maging kapansin-pansin ito upang mabihag ang kawilihan ng bumabasa.
Ang saglit na kasiglahan ay ang bahaging naglalarawan ng simula patungo sa paglalahad ng unang suliraning inihahanap ng lunas. Dapat maging kaakit-akit ang bahaging ito sa bumabasa at madama niya ang magaganap na pangyayaring gigising sa kanya ng isang tiyak na damdamin.
Ang suliraning inihahanap ng lunas ay karaniwang tatlo. Kung minsan ay humihigit sa tatlo, depende sa sumusulat ng kwento. Sa bahaging ito ng kwento, ang mababasa ay napapagitna sa mga pangyayaring gigising sa kanyang damdamin. Ang mga pangyayaring ito ang siyang bumubuo sa mga suliraning inihahanap ng lunas at lumilikha ng isang kawilihang pasidhi nang pasidhi.
Ang kasukdulan ay ang bahagi ng kwento na nagsasaad ng pinakamasidhing kawilihan. Ito ay dapat ilarawan nang mabilisan, tiyak, o malinaw at maayos. Upang maging mabisa ang kasukdulan, ito ay di-dapat magkaroon ng anumang paliwanag. Ang kailingan lamang ay ang maayos na pagkakaugnay-ugnay ng mga suliraning inihahanap ng lunas.
Ang kakalasan ay ang panghuling bahagi ng kwento na kaagad sumusunod sa kasukdulan. Ito ay hindi rin dapat pahabain at bigyan ng paliwanag. Ipaubaya sa mambabasa ang pag-iisip at hayaang siya ang magbigay ng wakas sa kwento.
Halimbawa ng Maikling Kwento
- • Ang Aral ng Damo
- • Ang Araw at ang Hangin
- • Ang Ating mga Likas na Palatandaan
- • Ang Bulkang Taal
- • Ang Elepante at ang mga Bulag
- • Ang Engkantada ng Makulot
- • Ang Kabayong Humingi ng Katarungan
- • Ang Kalabaw at ang Tagak
- • Ang Kasaysayan ng Ating Pambansang Watawat
- • Ang Kauna-unahan Nating Ninuno
- • Ang Kwento Ng Pinagmulan Ng Lahi
- • Ang Manok at ang Uwak
- • Ang Matalik Kong Kaibigan
- • Ang Matalinong Pintor
- • Ang Nawawalang Prinsesa
- • Ang Pagdalaw ng mga Pastol at Tatlong Hari
- • Ang Sapatero at ang Dwende
- • Araw, Buwan, at Kuliglig
- • Bakit Maluwang ang Balat ng Baka?
- • Bakit Mas Maliwanag Ang Araw Kaysa Buwan
- • Bakit Mataas Ang Langit
- • Dalawang Aso
- • Dalawang Lapis
- • Halaman ng Pagmamahal
- • Himala sa Kapaskuhan
- • Hindi Nag-isip
- • Ina ng Biak-na-Bato
- • Isang Aral Para kay Armando
- • Kaibigan Daw
- • Kapuri-puring Bata
- • Kung Bakit May Tagsibol at Taglagas
- • Matapat na Bayani
- • Matulunging Bata
- • Modelong Bata
- • Nagbayad ng Utang-na-Loob
- • Namatay Para sa Bayan
- • Nasa Kamay ang Buhay ng Ibong Hawak
- • Noong Unang Panahon sa Pilipinas
- • Pagatpat
- • Pambansang Pintor
- • Pinagmulan Ng Mangga
- • Pinagmulan Ng Singkamas
- • Pinagmulan Ng Waling-waling
- • Prinsipe ng mga Makatang Pilipino
- • Pulong ng mga Hayop
- • Regalo sa Guro
- • Reynang Matapat
- • Si Andres Bonifacio at ang Katipunan
- • Si Apollo, si Aurora, at si Clytie
- • Si Jesus at ang Matandang Bulag
- • Si Juan, ang Pumatay ng Higante
- • Si Mario, si Ana, at ang Isda
- • Si Paruparo at si Langgam
- • Sugong Kalapati
- • Tagalungsod Sila
- • Tikbalang