Ayon sa matatanda, ang Bathalang lumikha ng daigdig ay si Laor. Ayon sa paniwala ng marami ay amtagal siyang namuhay na nag-iisa dito sa daigdig. Hindi malaunan at siya ay nakaramdam ng pagkalungkot sa kanyang pag-iisa. Upang maiwasan ang ganitong pangyayari ay umisip siya ng isang magandang paraan.
Isang araw ay naisipan niyang kumimpal ng lupa upang gawing mga tao, sa gayon ay malulunasan ang kanyang mga kalungkutan. Iniluto niya sa hurno ang lupang kanyang ginawa. Sa hindi malamang sanhi ay nakalingatan niya ito, kaya’t nang kanyang buksan ay maitim at sunog. Ang lumabas na sunog ay naging nuno ng mga Negro at Ita.
Noong unang panahon, may dalawang magkapatid na babae. Maganda ang kalooban ni Araw, ang mas matandang kapatid. Pero, si Buwan ay malupit at hindi tapat. Isang gabi, nanaog sa lupa ang Diyos mula sa langit. Nagbigay siya ng brilyante kay Araw. Hindi nagbigay ang Diyos ng regalo kay Buwan dahil hindi kasingganda ang kalooban ni Buwan. Galit na galit si Buwan. Tapos, pumunta si Buwan sa langit at nagnakaw siya isang brilyante ng Diyos. Noong bumalik siya sa lupa , nakatuklasan niya na ang kanyang brilyante ay hindi kasingliwanag ng brilyante ni Araw. Mas nagalit si Buwan. Nang nalaman ng Diyos tungkol sa panyayari, inutusan niya ang dalawang anghel sa lupa para parusahan ang malupit na babae. Pero, umabuaso ang dalawang anghel at ibinato nila ang dalawang magkapatid sa dagat. Tapos, ibinato rin nilang paitaas ang dalawang brilyante sa langit. Nadikit sa langit ang dalawang brilyante. Ngayon, ang mas maliwang ay tinatawag na Araw at ang pangalawang brilyante ay tinatawag na Buwan.
Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni bituin. Bakit kaya tumaas ang langit? Narito sa kuwento na ito ang mga sagot. Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahay-kubo. Si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda. Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay.
“Maria, magbayo ka ng palay,” ang wika ng ina.
“Opo,” ang sagot ni Maria, nguni’t hindi siya kumilos.
Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben. Mabait at matulungin si Ben. Nagmana siya sa kanyang mga magulang na mababait din naman. Isang araw, isang matandang pulubi ang kinaawaan ni Ben. Inuwi niya ang pulubi sa bahay, ipinagluto at pinakain. Isang araw naman, samantalang nangangahoy, isang matandang gutom na gutom ang nasalubong niya.
Pinakain din niya ito at binigyan ng damit.
Nangyari ito noong unang panahon bago pa lamang sinakop ng mga Kastila and ating bayan. Dahil sa bagong salta pa lamang ang mga dayuhan, at hindi nila kabisado ang sulok-sulok ng mga bayan, inutusan ng gobernadorsilyo ang kanyang limang sundalo na mamasyal at magmasid sa baryo at pag-aralan ang maraming bagay na matatagpuan sa ating bayan. Sa kanilang paglalakad nakakita sila sa gitna ng maluwang at patag na bukirin ng mga magsasaka na may binubunot na kung anong halaman. Nilapitan nila ang magsasaka at nakita ang halaman na mapuputi at medyo bilog na mga laman.. Humingi ang mga sundalo sa magsasaka ng tubig ngunit hindi sila maintindihan ng mga ito. Lumapit ang mga kawal at sinabing “Uhaw na uhaw na kami at nagugutom puwede nyo ba kaming bigyan niyan.” Sabay turo sa halamang hawak ng magsasaka, ngunit hindi pa rin nila maunawaan ang salita nito.
Sa tabi ng ilog Daba-daba, na ang tubig ay umaagos mula sa Bundok ng Apo, nakatahanan ang balangay ng Dayaw. Pinamumunuan ito ni Raha Musukul. Si Rani Waling ang magandang asawa ng Raha. Siya ang nagdadala ng kaligayahan at kariktan sa Dayaw.
Magdadapithapon na nang may isang tauhan ng balangay ang nagmamadaling tumungo sa tahanan ng Raha. Isang masamang balita ang inihatid nito. Ang nakababatang kapatid ni Raha Musukul na si Datu Ambungan ay napatay sa Bundok ng Apo. Sinasabing habang nangangaso ang Datu kasama ang kanyang tauhan, isang kasapi mula sa tribo ni Raha Makalisang ang pumatay sa kanya.
Fine Print
This website is dedicated to all Filipino people who love their country, the Philippines.
The purpose of this website is to help all Filipinos, most importantly the Filipino students
in their upbringing, not just in their studies in schools, but also during their leisurely time online.
Who said fun is all about playing games?
Currently, we have articles about Filipino folklore including short stories, fables, parables, myths, and legends.
Biographies of Filipino national heroes and other famous people in Philippine history that are written both in
Tagalog and English are also available.
Soon to include information about Filipino games here in the Philippines, from the old traditional games
that children used to play, to the most latest online games now being played at their very own homes or
in an Internet Cafe such as Level Up's games Ragnarok and Crazy Kart, E-Games' RAN Online....