Mga Bugtong Na May Sagot - Page 127

Bugtong #883
Nakikita sa sampayan
Damit ay kinakapitan.
Bugtong #884
Hindi pa raw inahen
Marami pang bulateng kakainin.
Bugtong #885
Nakabaging na gulay
Karaniwang berde ang kulay
Bibitin-bitin sa halamanan
Pantali sa sapatos ni Belay.
Bugtong #886
Nang maliit ay paruparo
Nang lumaki ay panali mo.
Bugtong #887
Paruparo noong maliit pa
Bulate nang tumanda na.
Bugtong #888
Paruparo nang bata,
Naging ahas nang tumanda.
Bugtong #889
Pwedeng gulay na nakabitin
Pantali sa sapatos ni Pipin.