Mga Bugtong Na May Sagot - Page 125

Bugtong #869
Umupo si itim, sinulot ni pula,
Lumabas si puti, bubuga-buga.
Bugtong #870
Hindi ka pa gaanong nilalagnat
Sakit ay di pa ganap.
Bugtong #871
Maliliit na sugat sa bibig
Dahil sa tag-init at di sa taglamig.
Bugtong #872
Gulay na kay tamis,
Maputi ang kutis.
Bugtong #873
Matamis na gulay
Puting-puti ang kulay
Sa lupa pa hinuhukay.
Bugtong #874
Nang ihulog ay buto,
Nang hanguin ay trumpo.
Bugtong #875
Ang ngalan ko ay iisa,
Ang uri ko'y iba-iba;
Gamit ako ng lahat na,
Sa daliri nakikita.