Mga Salawikain - Page 60

Salawikain #414
Ang bago'y nagniningning,
Ang luma'y nagkukulimlim
Salawikain #415
Kapag may itinanim, tiyak na may aanihin.
Salawikain #416
Hindi mo dapat asahan ang pangako ng kaaway.
Salawikain #417
Nang nasa laot ng hidwa ang pangako'y kandila;
nang dumating sa gilid, kandila'y di na nasambit.
Salawikain #418
Ang pangako kung maliban,
tupdin man ay walang linamnam.
Salawikain #419
Masira na sa pilak, huwag lang sa pangungusap.
Salawikain #420
Nangako hanggang napako.