Mga Salawikain - Page 61

Salawikain #421
Pag ang sakit ay malaki, pangako'y marami;
Kung gumaling na't umigi Diyos ma'y di masabi.
Salawikain #422
Taong nanunuyo,
Dala-dala'y bukayo.
Salawikain #423
Huwag kang mangahas umibig sa hindi mo kakilatis
Kung datnan ka ng panganib, siya'y di mo magagamit.
Salawikain #424
May dalahirang banayad, may mahinhing talipandas.
May mahinhing kalibitin, may makarang di masupil.
Salawikain #425
Ang babaeng salawahan, hindi dapat pagpaguran.
Salawikain #426
Walang matiyagang lalaki sa mananakbong babae.
Salawikain #427
Walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin.