Mga Bugtong Na May Sagot - Page 99

Bugtong #687
Dalawa ang kamay
Dalawa ang paa
Kung tumalon ay parang sirkera.
Bugtong #688
Hindi isda. hindi itik,
Nakahuhuni kung ibig,
Nabubuhay ito sa kati man o sa tubig.
Bugtong #689
Nang maliit ay sumisisid pa
Nang lumaki ay patalon-talon na.
Bugtong #690
Noong bata ay may buntot
Noong lumaki ay nagkatuhod.
Bugtong #691
Maliit sa batya ang laki niya
Lalagyan ng isasampay na kamiseta.
Bugtong #692
Tinirintas na dahon kung mahal na araw
Ipinambabati sa muling pagkabuhay.
Bugtong #693
Kung bago ay pula,
Itim kung luma na.