Mga Bugtong Na May Sagot - Page 116

Bugtong #806
Araw-gabi ay tumatakbo
Ang magkapatid na Re at Lo.
Bugtong #807
Susun-susong dahon
Bolang binalumbon.
Bugtong #808
Kapiraso itong papel na katunayan
Na bayad ka na sa anumang biniling kagamitan.
Bugtong #809
Gitara niya ay balalaika
Bansa niya ay Rusya.
Bugtong #810
Di lakatan, di rin latundan
Pero saging itong may katabaan.
Bugtong #811
Hindi hayop, hindi tao,
Nagsusuot ng sumbrero.
Bugtong #812
Bumubula ang tabo
Hindi naman kumukulo.