Mga Bugtong Na May Sagot - Page 139

Bugtong #967
Kahit na lingu-lingunin
Di naaabot ng tingin.
Bugtong #968
Ibinabalot sa balikat ninuman
Lalo't malamig ang kapaligiran.
Bugtong #969
Dula itong nagtatampok sa krus ni Kristo
Na natagpuan ni Elena at Konstantino.
Bugtong #970
Kulay rosas na batik-batik sa katawan
Sakit itong makukuha ng kabataan.
Bugtong #971
Damit niya ay dilaw
na may mga bandang itim ang kulay.
pangil ay nanggigigil
mga kuko ay sisikil.
Bugtong #972
Gawa ito sa kinayas na kawayan
Lalagyan ng santol, mangga at pakwan.
Bugtong #973
Masakit na pag-iktad ng kumukulong mantika
Kapag may pinipiritong isda.