Mga Bugtong Na May Sagot - Page 149

Bugtong #1037
Puno ko sa Marigondon,
Nagsasangay walang dahon.
Bugtong #1038
Hindi hayop, hindi hunghang,
Lumuluha ang abutan.
Bugtong #1039
Nakapagpapabulaklak sa mangga,
Humahalik sa dahon at sanga.
Bugtong #1040
Boksingerong Pilipino
Flyweight champion ng daigdig
Dekada 20 nang koronahan
Viva, Pancho! ang sigawan.
Bugtong #1041
Sasakyang dagat sa kamindanawan
Parang hangin sa kabilisan.
Bugtong #1042
Kapag nag-iisa ay tamad
kapag-marami ay masipag.
Bugtong #1043
Isang pirasong tela lang ito
Sinasaluduhan ng mga sundalo.