Mga Bugtong Na May Sagot - Page 25

Bugtong #169
Bilog itong lalagyan
Ng bigas na iniipahan.
Bugtong #170
Sobra itong katabaan
Na mapipisil sa tiyan.
Bugtong #171
Sukat pangheometriko
Kamukha ng letrang "O".
Bugtong #172
Iba't-ibang kulay na ulo
Kapag nilaro na'y
Nagkakabanggaan ito.
Bugtong #173
Sirang talim ng gulok ni Iking
Di maipampuputol ng buwig ng saging.
Bugtong #174
Pinakain ko nang pinakain,
pagkatapos ay ibinitin.
Bugtong #175
Kung araw ay inilalayo ka,
Kung gabi ay kinakabig ka.