Mga Bugtong Na May Sagot - Page 30

Bugtong #204
Bumubuka'y walang bibig
Ngumingiti nang tahimik.
Bugtong #205
Nang umaga'y tikom pa,
Nang tanghali'y humahalakhak na.
Bugtong #206
Kundi nakasabit sa dibdib ng dilag
Ito'y nakabitin sa balag.
Bugtong #207
Isang bungkos ng kaliwanagan
Pagbaba sa lupa ay napaparam.
Bugtong #208
Simpleng lutuing panggulay
Sa kaunting rekado iginisa at isinalang.
Bugtong #209
Sasakyang may kalakihan din
Ibinabangga sa wawasakin.
Bugtong #210
Ang puno ay bahi
Ang sanga ay lagari,
Ang dahon ay espada,
Ang bunga ay bala.