Mga Bugtong Na May Sagot - Page 33

Bugtong #225
Dilaw kong tandang
Nagsabog ng kaliwanagan
Sa oras ng kadiliman.
Bugtong #226
Salakot kong ga-bilao,
Nasukuban ang buong mundo.
Bugtong #227
Hayop kong si Kolondrino
Tubig ang tirahan nito
Luha ay pakitang tao.
Bugtong #228
Isang uri ng karamdaman,
Tinulara'y sakit ng bayan,
Na ayon kay Dr. Rizal,
Dapat na malunasan.
Bugtong #229
Lalawigan ni Aguinaldo
Marami ditong Katipunero.
Bugtong #230
Sa lalawigang ito nakikita ang Mactan
Kung saan napatay si Magellan.
Bugtong #231
Maghapon silang nagpuputukan
Di naman nagkakamatayan.