Mga Bugtong Na May Sagot - Page 42

Bugtong #288
Tutubing malaki sa papawirin
Lalawigan at bansa ay nararating.
Bugtong #289
Isdang may kahabaan
Sa pakikipag-eskrima ay kailangan.
Bugtong #290
Bakal na hagdanang laging naglalakbay.
Tayo na at sumakay.
Bugtong #291
Pangalan ni Magellan
Portugesong kay Lapulapu lumaban.
Bugtong #292
Parkeng tirahan ng mayayaman
Dumadakila sa Amerikanong Heneral ng Kabansaan.
Bugtong #293
Nilagok ito ng kalan
Upang makaluto ng ulam.
Bugtong #294
Ano ang nakapagpapaliwanag sa ilaw?