Mga Bugtong Na May Sagot - Page 43

Bugtong #295
Bahay ay bahay-bahayan
Sinulid ang paladingdingan.
Bugtong #296
Bahay mo ay pinagpaguran
Sinulid ang sahig
Na iyong tuntungan.
Bugtong #297
Bahay niya ay lambat
Sinulid na nakakadkad.
Bugtong #298
Gumagawa ng tahanan
Sinulid ang tangan-tangan.
Bugtong #299
Malaki ang tiyan,
Sinulid ang laman
Gumagawa ng tahanan,
Arkitekta ng kalikasan.
Bugtong #300
Maliit pa si kumpare,
Marunong nang mag-anluwagi.
Bugtong #301
Maliit pa si Minerva
Magaling nang arkitekta.