Mga Bugtong Na May Sagot - Page 46

Bugtong #316
Apoy na mula sa kahoy
Nakaluluto ng pagkain ni Pamboy.
Bugtong #317
Pampalapot sa sarsa
Almirol sa kamiseta.
Bugtong #318
Gamot na inihahalo sa pagkain
Nakapagpapaibig sa dalagang mimithiin.
Bugtong #319
Dito nakatanim ang mga ngipin
Dapat din itong sipilyuhin.
Bugtong #320
Inikot ang batuhan,
Naging munting gatasan.
Bugtong #321
Isang bilugang babae,
Sa tagiliran kung dumumi.
Bugtong #322
Luyang matingkad ang kadilawan
Ginagawang hiyas ng mga mamamayan.