Mga Bugtong Na May Sagot - Page 51

Bugtong #351
Kinatatakutan sapagkat pumapatay
Nagmumukhang hayop ang katauhan.
Bugtong #352
Singaw ng kaitasaan
Parang ambong inihinga ng kalikasan.
Bugtong #353
Nilutong patang may kaalatan at katamisan
Sa tinapay ipinapalaman.
Bugtong #354
Hayan na! Hayan na!
Di mo pa makita.
Bugtong #355
Pag nagpaypay si Maria Makiling
Ikaw ay mahihimbing.
Bugtong #356
Umiihip ang diyosa
Mabango ang hininga.
Bugtong #357
Oras na ng pagbaba ng araw sa kanluran
Hudyat na nalalapit na ang kadiliman.