Mga Bugtong Na May Sagot - Page 52

Bugtong #358
Inihahain ito sa mesang kainan
Bago dumilim ang kapaligiran.
Bugtong #359
Dinidilig niya at pinapantay
Mga halamang makukulay.
Bugtong #360
Palasyo ang kaniyang tirahan
Ama ng prinsipe at prinsesang iginagalang.
Bugtong #361
Sa isda ito ang tinitingnan
Kung nangunguna ba ito sa kasariwaan.
Bugtong #362
Mga ibon dito nakatira
Bahay at di tahanan ang kanilang nadarama
Bugtong #363
Pinatuyong hipon
Sahog sa lutuin ni Azon.
Bugtong #364
Sila ay tau-tauhan
Yari sa papel na kinulayan
Kapantay ang bubungan
Tinitingala ng kalahatan.