Mga Bugtong Na May Sagot - Page 69

Bugtong #477
Di mo siya kakalabanin
May kaisa kasing layunin.
Bugtong #478
Sakramentong nagsasama
sa dalawang pusong nagpapahalaga sa isa't-isa
Bugtong #479
Tawag sa sinumang sinisinta,
Na napasagot na at handa nang mag-asawa.
Bugtong #480
Kinudkod itong yelong pinung-pino
Na inihahalo sa kamote,
saging at nata de coco.
Bugtong #481
Aling prutas sa mundo,
Nakalabas ang buto?
Bugtong #482
Eto na si Ingkong,
Nakaupo sa lusong.
Bugtong #483
Isang prinsesa
Nakaupo sa tasa.