Mga Bugtong Na May Sagot - Page 76

Bugtong #526
Tenga nito ay abot sa kalangitan
Hindi ito daga na pinandidirihan.
Bugtong #527
Binili ko nang binili,
Pagkatapos ay ipinambigti.
Bugtong #528
Mahal ang pagkabili.
Ginamit na pambigti.
Bugtong #529
Kinain pero inilabas din
Ng katam na matalim.
Bugtong #530
Dala mo siya
Pero kinakain ka niya.
Bugtong #531
Hayop ko sa Kaingin,
Hanggang tuktok nararating.
Bugtong #532
Labi mo'y lagi kong nahahagkan
Sa almusal, tanghalian at hapunan.