Mga Bugtong Na May Sagot - Page 79

Bugtong #547
Tagalinis siya ng kasuotan
Batsa, sabon at tubig ang kailangan
Ihanda mo rin ang sipit at sampayan
Bugtong #548
Ito ang kainan ni Hichang
Pulot at darak dito sinasalinan.
Bugtong #549
Maliit na buto lang ang inihulog
Puting tubo na nang mabunot.
Bugtong #550
Kung wala nito
Ngiti ay di maiino.
Bugtong #551
Pinapuputok sa Bagong Taon
Magbigay ingay ang pinakalayon.
Bugtong #552
Madilaw na kawayan-kawayanan
Niluluto at inihahain sa hapagkainan.
Bugtong #553
Bagay na pinakiiwan
Kukunin din sa ibang araw.