Mga Bugtong Na May Sagot - Page 81

Bugtong #561
Urung-sulong, lumalamon.
Bugtong #562
Sa mga makatang nagtutunggalian
Ang trabaho niya ay mamagitan.
Bugtong #563
Magkaroon lang nito ang pinggan
Di matatawag na buo ang kasangkapan.
Bugtong #564
Malayo itong ibabato sa karagatan
Sa paghila ay mga isda ang laman.
Bugtong #565
Kung kailan tahimik
Saka nambubuwisit.
Bugtong #566
Nagpahiwatig muna,
Bago umariba.
Bugtong #567
Maliit na sisidlang ginaasan
Mitsa'y nagsasabog ng kaliwanagan.