Munting Binata

Kaibigan, saan ka patungo?
Ang iyong kamusmusan ay di pa nalalayo.
Bakit sukat na ang iyong pagdudumali
Sa landas ng buhay na karaniwan ang pagkakamali?

Ang iyong katawan ay parang sa munting mama...

Matipuno't makisig - marami ang nakaiibig,
Ang isip ay mura - mga karanasa'y wala
Subali't di magpapakatalo sa kanino mang tao.

Paghandaan mo ang kinabukasan
Sapagka't ito'y di maiwasan.
Sige na, kaibigan, tumungo sa iyong paroroonan...
Di na magtatagal at lalawak na ang iyong kaalaman.

Kaya't munting mama,
Iwasan ang gawing masama
Huwag patatalo sa mga imbit, mga tukso
Hayaang sa iyo'y kabutihan ang manalo.

See also