Ang Kagandahan

KAGANDAHA'Y ANO?
Luogod, tula, awit
pangarap, pag-asa
buhay, at pag-ibig.

NGUNIT ANG GANDA RI'Y
dita, bikig, lason
kamandag, patalim at
gintong kabaong.

DAHIL SA KARIKTA'Y
may walang nabuo
may dapang bumangon
may buong gumuho

GANDA'Y MARIRINIG
sa hikbi't halakhak
sa pait at tamis
siya'y malalasap.

GANDA'Y TALINGHAGA
maanyo't makulay
minsa'y paraiso't
kung minsa'y libingan!

See also